Matagumpay na isinagawa ang Coastal Clean-up Drive at Mangrove Planting Activity sa Brgy. Sapu Masla, Malapatan, Sarangani Province nito lamang Abril 26, 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Malapatan MLET katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) na siniguro ang seguridad ng mga kalahok.

Aktibo rin nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups, Stakeholders at Barangay Officials.

Dala-dala ang mga walis at mga gamit panglinis ay nag ikot-ikot ang mga nasabing grupo upang mamulot ng basura at tinatayang nasa 100 mangrove seedlings ang naitanim.

Ang hakbanging ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Malapatan MLET na makiisa sa mga gawaing pangkalikasan habang pinananatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *