Arestado ang suspek sa bus bombing sa North Cotabato at tinaguriang Top 7 Most Wanted Person ng Bangsamoro Autonomous Region sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Badak, General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur nito lamang Abril 29, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Tasly”, residente ng Brgy. Midpandacan, General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng dalawang korte, RTC Branch 15, Shariff Aguak – para sa kasong Murder, RTC Branch 23, Kidapawan City – para sa kasong Murder at Multiple Frustrated Murder at lahat ng kaso ay walang inirerekomendang piyansa.

Nabatid na si alias “Tasly” ang itinuturong suspek sa Yellow Bus Line bombing incident na naganap noong Enero 27, 2021 sa Tulunan, North Cotabato, kung saan isang fruit vendor ang nasawi habang tatlong pasahero ang nasugatan.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan at kaligtasan ng publiko tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa rehiyon ng Bangsamoro.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *