Matagumpay na naisagawa ang 3rd Ronda Probinsiya Balik Madrasah Program na may temang “ Returning to Knowledge, Strengthening Ummah” na dinaluhan ng mga kapatid nating Muslim sa Barangay Poblacion ,Kiamba, Sarangani nito lamang ika-27 ng Abril 2025.
Nakiisa din sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Kiamba Municipal Police Station sa pangnguna ni Police Major Emmanuel Y Lariosa, Hepe ng nasabing istasyon.
Nagkaroon ng motorcade mula Barangay Nalus pabalik sa Madrasah Annur Al-Islimiyah Compound para sa program proper.
Layunin ng programang ito na isulong ang peace and order ng nasabing lugar.
Binigyang-diin ng aktibidad na ito ang kahalagahan ng Salaam Peacebuilding, Counter-Radicalization, at Deradicalization na mahalagang hakbang tungo sa isang mas ligtas at mas malakas na komunidad.


