Timbog ang dalawang kriminal sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Mapantao, Bayang, Lanao del Sur noong Abril 27, 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ansari,” 30 anyos, tinaguriang Top 10 Most Wanted Person Regional Level para sa kasong Murder, at alyas “Ampa,” na nasugatan sa operasyon, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Dinakip ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Nabatid na habang inihahain ang naturang Warrant of Arrest ay naka-enkwentro ng pulisya ang humigit-kumulang 15 armadong kalalakihan at nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkakasugat ng isang pulis na si Patrolman Mascara Bae Monadi Jr.

Nakumpiska mula kay alyas “Ampa” ang isang yunit ng Caliber 7.62 mm M14 rifle, isang steel magazine para sa M14 rifle, at pitong bala ng Caliber 7.62 mm.

Paglabag sa Section 28 ng Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, Omnibus Election Code at Direct Assault ang kakaharapin ni alyas “Ampa”,

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng katahimikan, kaayusan at kapayapaan tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa tulong ng mamamayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *