Arestado ang Top 1 Most Wanted Person Provincial Level sa isinagawang operasyon ng mga otoridad noong Mayo 7, 2025 sa Purok Gemelina, Barangay Poblacion, Cateel, Davao Oriental.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jomar,” 33 anyos at residente ng Barangay Aliwagwag, Cateel, Davao del Sur.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang piyansang inirekomenda.
Ito ay nagpapakita ng hakbang ng PNP sa kanilang mandato na siguruhin ang kaligtasan ng publiko at kaayusan sa pamayanan.