Bilang bahagi ng masusing paghahanda para sa nalalapit na National and Local Elections sa darating na Mayo 12, 2025, isinagawa ang Final Briefing para sa mga Electoral Boards at Support Staff noong Mayo 9, 2025, sa Municipal Gymnasium ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Layunin ng aktibidad na ito na tiyakin ang kahandaan, koordinasyon, at tamang kaalaman ng lahat ng personnel na katuwang ng Commission on Elections (COMELEC) sa pagsasagawa ng halalan.

Sa pamamagitan ng briefing, tinalakay ang mga mahahalagang protocol, mga responsibilidad ng electoral boards, at ang mga hakbangin upang matiyak ang isang maayos at mapayapang eleksyon.

Dumalo din sa briefing sina COMELEC Officer Dexter John S. Leones, Commander ng 73rd IB Charlie Company Capt. Glenberth L. Diesta, at Police Major Ronilo Teman, Chief of Police ng Jose Abad Santos Municipal Police Station.

Sa tulong at koordinasyon ng COMELEC, AFP, at PNP, naninindigan ang mga ahensyang ito sa pangangalaga ng demokratikong proseso at sa pagbibigay ng patas, tapat, at mapayapang halalan sa bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *