Siniguro ni Police General Rommel Francisco D Marbil ang mapayapang Halalan 2025 kasabay ng kanyang pagbisita sa Police Regional Office 9 sa Camp Colonel Romeo A Abendan, Mercedes, Zamboanga City nito lamang Sabado, Mayo 10, 2025.
Ito ay sinundan ng conference at tinalakay ni PGen Marbil kasama si Police Brigadier General Roel C. Rodolfo, Regional Director, ang mga hakbang upang maiwasan ang anumang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa halalan.
Nabatid na mas pinalakas ni RD Rodolfo, ang mga hakbang lalo na sa deployment at mga estratehiyang pangseguridad upang matiyak na magiging payapa at ligtas ang halalan sa rehiyon, panatilihin ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.
“Commit yourselves to the mission” Gawin nating mapayapa at matagumpay ang halalan, na walang karahasan.” ani ni CPNP Marbil.




