Ini-imbistigahan ng mga awtoridad ang walong indibidwal matapos ang sunod-sunod na putok ng baril sa bahagi ng isang ukay-ukay store ng isang mall sa Barangay RH-10, Cotabato City ngayong gabi ng Mayo 11, 2025.

Agad rumesponde ang Cotabato City PNP at Marines at nagsagawa ng clearing operation at hinalughog ang lugar at natagpuan ang walong indibidwal na agad pinadapa para kapkapan bilang bahagi ng seguridad.

Isang indibidwal ang nakuhaan ng bala ng baril, ngunit ayon sa kanyang pahayag, ay napulot lamang at hindi niya intensyong dalhin.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung may kaugnayan ito sa nalalapit na National and Local Elections.

Habang naka-alerto ang Cotabato City PNP upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa lungsod ngayong halalan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *