Idineklara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental na naging mapayapa at matagumpay ang kabuuang takbo ng halalan sa buong lalawigan nito lamang Mayo 12, 2025.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang kaayusang ito ay bunga ng masinsinang koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, partikular na ng Davao Oriental Police Provincial Office, Bureau of Fire Protection (BFP), at iba pang ahensya.

Malaking bahagi rin ng tagumpay ng halalan ang aktibong pakikipagtulungan ng nga residente, barangay officials, at mga volunteer poll watchers.

Wala ring naitalang malaking insidente ng karahasan o paglabag sa mga alituntunin ng halalan sa buong araw ng botohan, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa kabila ng tagumpay ng halalan, nananatiling nakaalerto ang mga awtoridad upang tiyakin ang seguridad sa bilangan ng boto at pagproklama ng mga mananalong kandidato.

Patuloy rin ang panawagan sa publiko na panatilihin ang katahimikan at respeto sa proseso ng demokrasya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *