Opisyal nang binuksan ang ika-28 Basic Sports Summer Camp ng Lokal na Pamahalaan sa City Coliseum sa lungsod ng Zamboanga nito lamang ika-11 ng Mayo 2025.
Nasa 3,500 mga bata mula sa iba’t ibang barangay sa siyudad ang nagparehistro at makikilahok sa naturang programa na binansagang “Learn to Play a Sports Program” ng pamahalaang lokal sa pamumuno ng City Sports Division kasama ang Philippine Sports Commission.
Aabot sa kabuuang 26 sports events ang aabangan sa isang buwang Sports Program ngayong Mayo.
Ang Summer Sports Program ay binuo bilang suporta ng Pamahalaang Lokal sa mga kabataan upang mas ihasa ang kanilang talento at kasanayan sa iba’t ibang larangan ng sports.
