Sultan Kudarat — Sumuko ang isang 2nd Deputy Secretary/Political Officer mula sa SRC Daguma, Far South Mindanao Region (FSMR) at pito pang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa South Cotabato 2nd Provincial Mobile Force Company Headquarters, Sitio Sto. Nino, Brgy. Centrala, Surallah, South Cotabato nito lamang Nobyembre 10, 2023.

Kinilala ang sumukong opisyal ng NPA na si alyas “Yona”, 27-anyos, at residente ng Caloocan, Koronadal City, South Cotabato.

Habang ang iba pang tagasunod nito ay kinilala namang sina alyas “Dexter”, “Aya”, “Egeng”, “Bentong”, “Zalde”, “Moroy” at si alyas “Marlon”.

Dahil sa hirap na dinanas mula sa grupo, pagod, puyat at gutom ang naging dahilan kung bakit sila sumuko.

Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro n NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang sariling pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *