Sultan Kudarat – Tumanggap ng Livelihood Settlement Grant (LSG) at Cash Assistance ang nasa kabuaang 137 na Former Rebels mula sa pamahalaan ng Sultan Kudarat at sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 12 nito lamang ika-15 ng Nobyembre 2023.
Pinangunahan ito ni Hon. Datu Pax Ali Mangudadatu, Governor, Sultan Kudarat Province katuwang ang ilan pang ahensya ng gobyerno gaya ng Sultan Kudarat PNP, 603rd Infantry Brigade, 6th Infantry Division, Philippine Army at DSWD XII.
Sa pamamagitan ng SLP, ipinagkaloob sa nasabing bilang ng mga returnee ang halagang Php20,000 bawat isa na umabot sa Php2,740,000 ang kabuuang naipamahagi para sa pagsisimula ng kanilang pangkabuhayan.
Batay sa datos ng ahensiya, 23 na Former Rebels (FRs) mula sa Sultan Kudarat PNP, 5 FR na nasa kustodiya ng RMFB 12 habang 109 na FRs na hawak naman ng 7th IB, 37th IB at 57th IB ng Philippine Army ang napamahigaan ng tulong pangkabuhayan.