ang Mass Orientation at pagsumite ng mga requirements para sa iba’t ibang programa sa ilalim ng Panabo City Scholarship Program, kabilang na ang Iskolar ng Lungsod, Ladderized Program, at ang IP & Muslims Scholarship sa Panabo City Gymnasium, Davao del Norte nito lamang Martes, Mayo 27, 2025.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Panabo sa pangunguna ni Mayor Jose E. Relampagos, upang mas mapalawak ang oportunidad para sa edukasyon ng mga kabataan, lalo na ang mga mula sa marginalized sectors gaya ng mga Indigenous Peoples (IP) at Muslim communities.
Daan-daang estudyante mula sa iba’t ibang barangay ng Panabo ang dumalo sa orientation, kung saan ipinaliwanag ang mga alituntunin, benepisyo, at obligasyon ng mga magiging iskolar.
Patuloy ang pagtutok ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng suporta sa edukasyon bilang isa sa pangunahing hakbang sa pag-angat ng antas ng pamumuhay sa Panabo City.
Hinihikayat din ang mga kabataan na samantalahin ang ganitong mga programa upang makamit ang kanilang mga pangarap.
