Idinaos ang Summer Kids Peace Camp 2025 na ginanap sa Alamada Central Elementary School, Covered Court, Alamada, Cotabato nito lamang ika-26 ng Mayo 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na pamahalaan ng Alamada at mga guro ng nasabing paaralan katuwang ang Alamada Municipal Police Station.

Humigit kumulang 400 kabataan ang dumalo sa nasabing aktibidad kabilang ang kanilang mga magulang.

Ang aktibidad ay naglalayong palakasin ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng edukasyon at pagbibigay-kaalaman, partikular na sa mga kabataan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, mas napapalapit ang hanay ng kapulisan sa mga mamamayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *