Ipinagdiwang ng pamahalaang lokal ng Cagayan de Oro sa pangunguna ni City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy, kasama ang mga opisyal mula sa Boy Scouts of the Philippines, Bureau of Fire Protection, 4th Infantry Division ng Philippine Army, at Cagayan de Oro City Police Office ang flag raising ceremony bilang paggunita sa National Flag Day nito lamang ika-28 ng Mayo 2025 sa harapan ng Executive Building City Hall Grounds, Cagayan de Oro City.

Batay sa Presidential Proclamation No. 374 na ipinalabas ni Pangulong Diosdado Macapagal noong Marso 6, 1965, itinakdang ipagdiriwang ang National Flag Day tuwing ika-28 ng Mayo taon-taon.

Kaugnay nito, isinagawa ang seremonyal na pagtaas ng pambansang watawat at sinundan ito ng sagradong pagretiro sa pamamagitan ng pagsunog ng mga lumang bandila na isinuko—kabilang ang mga sira, pudpod, bulok, o kupas—ayon sa protocol na nakasaad sa Republic Act 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, upang maiwasan ang maling paggamit at kawalang-galang sa pambansang watawat.

Ang nasabing aktibidad ay sinuportahan ng City Museum, City Tourism and Cultural Affairs Office, City Mayor’s Office, at City Administrator’s Office.

Binigyang-diin ni Mayor Uy, ang kahalagahan ng National Flag Day bilang pagpapakita ng respeto at paggalang sa pambansang watawat na sumisimbolo sa soberanya at pambansang pagkakaisa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *