Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa kahabaan ng National Highway, Barangay Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao del Sur nito lamang Lunes, Mayo 26, 2025.
Kinilala ni Police Captain Nurjhasier A. Sali, Hepe ng Datu Montawal Municipal Police Station, ang biktima na si alyas “Jomar,” aktibong miyembro ng PNP.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, isang concerned citizen ang tumawag sa istasyon upang iulat ang naturang insidente ng pamamaril.
Agad rumesponde ang pulisya at naabutan ang biktima na duguan at walang ng buhay.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan at mahuli ang suspek.