Ipinamahagi ang foodpacks na pinangunahan ni Congresswoman Dimple Mastura sa mga kababayang apektado ng malawakang pagbaha sa bayan ng Mother Kabuntalan, Cotabato City nito lamang ika-27 ng Mayo 2025.

Sa pakikipagugnayan sa DSWD-12, matagumpay na naipamahagi ang 1,500 foodpacks sa mahigit 5,000 mga pamilya na apektado ng pagbaha sa naturang bayan.

Patuloy pa rin ang pagsagawa ng site validation ang DSWD at BDM-ALERT sa mga apektadong lugar sa bayan ng Talitay, Northern Kabuntalan at Datu Odin Sinsuat.

Inaasahang ang full-blast na relief distribution sa mga apektadong bayan sa mga susunod na araw.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *