Ipinagdiwang ng Cagayan de Oro City Education and Development Office (CEDO) ang unang anibersaryo bilang isang opisyal na departamento ng pamahalaang lungsod noong Mayo 27, 2025 sa Dansolihon, Cagayan de Oro.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, pinangunahan ng CEDO ang isang thanksgiving activity para sa mga anak ng dating rebelde katuwang ang City Social Welfare and Development Office, ang Department of Social Welfare and Development – Region X, at ang Oro Kalandang Peace Center Homeowner Association.

Ibinahagi ni G. Aldrin B. Library, mula sa DSWD Region 10, ang kanyang pasasalamat sa lokal na pamahalaan para sa mga inisyatibong nakasentro sa tao at batay sa tunay na pangangailangan ng komunidad.

Aniya, “Ang purpose sa assessment kay para maimprove pa ang serbisyo para kaninyo.”

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Konsehal Suzette Magtajas-Daba, isang kilalang tagapagtaguyod ng edukasyon, at si konsehal-elect Jing Daba, na parehong naghandog ng munting kasiyahan at mga regalo para sa mga bata.

Sa temang “Building dreams for all Kagay-anon learners,” muling pinagtitibay ng CEDO ang layuning makapagbigay ng inklusibong edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.

Ang taunang pagdiriwang na ito ay hindi lamang pag-alala sa mga naabot na tagumpay ng CEDO, kundi patunay din sa matibay nitong paninindigan sa serbisyong pampubliko at pangakong magpatuloy sa pagtulong sa bawat mag-aaral sa Cagayan de Oro.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *