Isinagawa ang serye ng Medical Mission para sa mga Indigenous People’s (IPs), sa Upper Midkiwan, Barangay Bayanga, Cagayan de Oro nito lamang Mayo 27, 2025.
Aktibong lumahok ang mga miyembro ng katutubong pamayanan sa programa, na naging daan upang mas mailapit ang mga serbisyong medikal ng gobyerno sa mga liblib na lugar.
Sa pangunguna ng City Health Insurance Office, isinagawa ang on-site PhilHealth enrollment at updating, KonSulta registration, pati na rin ang unang patient encounter at profiling para sa mga residente ng lugar.
Ang naturang aktibidad ay may layuning maihatid ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad na higit na nangangailangan.

