Matagumpay na isinagawa ang motorcade at zumba bilang bahagi ng “World No Tobacco Day 2025″ na may temang “Unmasking the Appeal; Exposing Industry Tactics on Tobacco and Nicotine Products” na dinaluhan ng lokal na pamahalaan sa Alabel Municipal Hall, Poblacion, Alabel, Sarangani nito lamang ika-30 ng Mayo 2025.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng Sarangani Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Deanry R Francisco, Provincial Director.

Nakiisa din sa naturang programa ang mga tauhan ng BFP, BJMP, Coastguard at AFP.

Tampok sa aktibidad ang motorcade para sa public information at sinundan ng zumba para sa maayos na pisikal na kondisyon.

Nagkaroon din ng lecture tungkol sa vape at smoking.

Tinurn-over din si PENRO ang mga kumpiskadong vape para sa proper waste disposal.

Layunin ng aktibidad na maipaalam sa publiko ang masasamang epekto ng paggamit ng mga vape at paninigarilyo.

Ito rin ay isang panghihikayat sa publiko na tigilan o iwasan na ang paggamit ng mga ito para sa mas maayos na kalusugan at kapaligiran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *