Patay ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek sa Barangay Libutan, Mamasapano, Maguindanao del Sur nito lamang Biyernes ng gabi, Mayo 31, 20205.
Kinilala ang biktima na si alyas “Supremo” Batallion Commander ng National Guard at Task Force Etihad.
Nabatid na habang nagpapahinga ang biktima sa labas ng kanyang tahanan nang bigla na lamang nilapitan ng gunman at walang habas na pinagbabaril na dahilan ng agarang pagkamatay ng biktima.
Narekober sa crime scene ang 18 basyo ng caliber .45 na baril.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo nito habang hustisya naman ang sigaw ng naiwang pamilya ng biktima.