Isinagawa ng Office of the City Veterinarian ang isang matagumpay na house-to-house na kampanya laban sa rabies sa Barangay Goma, Digos City.

Layunin ng aktibidad na tiyakin ang kalusugan at kaligtasan ng mga alagang hayop at ng mga mamamayan sa komunidad.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na sugpuin ang rabies—isang delikado at nakamamatay na sakit na maaaring maipasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng hayop.

Maliban sa pagbibigay ng bakuna laban sa rabies, isinagawa rin ang deworming ng mga hayop sa bukid upang mapanatili ang kanilang kalusugan at maiwasan ang mga karamdaman dulot ng mga bulate o parasitiko.

Pinayuhan din ang mga pet owner na huwag ipagwalang-bahala ang anumang insidente ng pagkakakagat sa kanilang alagang hayop, lalo na kung ito ay kagat ng isang hayop na maaaring may rabies.

Agad na ipasuri ang alaga sa pinakamalapit na beterinaryo upang matukoy kung may panganib ng pagkakahawa at upang maisagawa kaagad ang nararapat na hakbang gaya ng obserbasyon, bakuna, o paggamot.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *