Patay ang tatlong sakay ng isang kotse matapos sumalpok sa isang truck sa bahagi ng Molave, Talus, Sarangani Province nito lamang madaling araw ng Hunyo 4, 2025.

Ito ang kinumpirma ni Kagawad Alberto Alcoser ng Peace and Order Committee ng Barangay, sa pagkakasawi ng mga biktima kabilang na ang tatlong taong gulang na bata.

Nabatid na sumadsad sa ilalim ng truck ang kotse at pinutol pa ng mga rescuers ang ibang parts ng kotse upang makuha ang mga naipit na mga biktima sa loob ng sasakyan.

Samantala, isang aktibong miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) ang ama ng tatlong taong gulang na bata, habang patay din ang maybahay nito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *