Timbog ang isang magsasaka na tinaguriang Top 9 Regional Most Wanted Person dahil sa kasong Statutory Rape sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Purok Masagana, Barangay Magsaysay, Polomolok, South Cotabato nito lamang Hunyo 3, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ronil” 44 anyos, residente ng Barangay Landan, Polomolok , South Cotabato.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Ang PNP katuwang ang mamamayan ay magkatuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kaunlaran sa pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *