Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur pasado 3:00 ng hapon nito lamang Miyerkules, ika-4 ng Hunyo 2025.
Kinilala ang biktima na si Alyas “Mohalidin”.
Ayon sa ulat, habang nag-aayos ang biktima sa kaniyang mga paninda nang biglang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilang suspek sa loob mismo ng kanyang tindahan sa palengke.
Ang biktima ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa kanyang katawan na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Narekober naman ng pulisya ang limang piraso ng empty shells sa crime scene.
Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang suspek at motibo sa naturang krimen.