Nasakote ng militar at pulisya ang limang indibidwal at narekober ang isang high powered firearms at drug paraphernalia sa isinagawang checkpoint operation sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nito lamang Independence Day, Hunyo 12, 2025.
Nabatid na lulan sa isang silver na minivan ang mga suspek at nakitaan ng baril.
Agad na hinanapan ng kaukulang dokumento ngunit walang maipakita kaya agad na pinalabas at pinadapa ang mga suspek at inaresto.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Saber, “Rasul”, “Kenjie”, “Manot” at “Gapor”.
Narekober mula sa mga suspek ang isang M4 rifle, magasin, kagamitan sa paggamit ng ilegal na droga at cellphones.
Kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang kakaharapin ng mga suspek.
Patuloy na man ang kasundaluhan at kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan.
.