Tinanghal bilang isa sa pinakaligtas na lungsod Sa Mindanao ang Iligan City batay Sa pinahuling datos ng Mindanow Development Authority (MinDA).

Noong nakaraang Setyembre 22, 2023 hanggang Oktubre 6, 2023, ang lungsod ng Iligan ay nakamit ang grado na TRUST – 91%; KALIGTASAN – 91; RESPETO – 91%; at overall Satisfaction – 93%.

Malinaw na makikita sa resulta ng survey na ang Iligan City ay itinuturing pa rin bilang isa sa mapayapa at pinakaligtas na lungsod sa Mindanao na ipinapakita taliwas sa ibang pinapalabas sa social media ng ilang indibidwal upang sirain ang kredibilidad ng mga pinunong namamahala.

Pinaalalahanan ang lahat ng bloggers, na maging responsable sa kanilang social media post, tiyakin na ang lahat ng impormasyon ay verified, factual at kapaki-pakinabang sa ating komunidad.

Ang pagiging isa sa mg ligtas na lungsod sa Mindanao ay nagpapahiwatig ng magandang pamamalakad ng Iligan City PNP sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Reinante B Delos Santos, City Director.

Nagpapakita ito ng dedikasyon sa trabaho upang labanan ang kriminalidad, karahasan, terorismo at insurhensya sa kanilang nasasakupan upang maging ligtas at tahimik ang pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *