South Cotabato – Tiklo ang isang 69 anyos na lolo matapos makumpiskahan ng baril at mga bala sa General Paulino Santos Avenue, Brgy. Poblacion, Norala, South Cotabato, bandang 9:00 ng umaga nito lamang Biyernes, Disyembre 1, 2023.

Kinilala ang suspek na si alyas “Datu”, 69 anyos, at residente ng naturang lugar.

Narekober mula sa suspek ang isang unit ng 9mm pistol, mga magazine, mga bala, firearm box at iba pang firearm accessories at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A.10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act.

Patuloy ang panawagan ng Norala PNP sa mga may-ari ng baril na walang kaukulang dokumento na isuko ang kanilang baril upang maiwasan magkaroon ng kaso.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *