Misamis Occidental- Nasa 105 na estudyante ang nakiisa sa Drug Symposium at Crime Prevention Lecture ng mga tauhan ng Aloran Municipal Police Station sa Aloran Central School, Barangay Dalisay, Aloran, Misamis Occidental nito lamang hapon ng Nobyembre 29, 2023.
Nagbahagi ng kaalaman ang mga awtoridad tungkol sa Crime Prevention, Drug Abuse Resistance Education at Terrorisim.
Ito ay sa pangangasiwa ni Police Major Alan Ramboyon Añasco, Officer-In-Charge, Aloran, Municipal Police Station.
Layon ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante at magkaroon ng kamalayan sa mga pinapatupad na batas sa bansa.