Pag-asa at saya ang naiwan sa mga kabataan matapos mabigyan ng tulong ng mga awtoridad kaugnay sa pagdiriwang ng National Children’s Month 2023 na ginanap sa Covered Court ng PHQ, Villanueva, Misamis Oriental nito lamang ika-27 ng Nobyembre 2023.

Nakiisa sa pamimigay ng tulong ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups, stakeholders, at Misamis Oriental Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Cholijun P Caduyac, Provincial Director, Misamis Oriental Police Provincial Office.

Tuwang-tuwa ang mga bata sa puppet show at pa-Mascot ng naturang aktibidad.

Nagkaroon din ng pamimigay ng tsinelas, cotton candy at packed lunch.

Layunin nito na mas mapalakas pa ang ugnayan ng PNP at kabataan tungo sa maunlad na pamayanan sa Hilagang Mindanao.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *