Inilunsad ang Kalinaw Peace and Development Summit 2025 noong ika-18 ng Hunyo sa Davao de Oro.

Napag-alaman na 340 dating rebelde, na ngayo’y tinatawag na Friends Rescued, ang sama-samang nagtipon upang ipakita ang kanilang matagumpay na pagbabalik-loob at pagtahak sa landas ng kapayapaan.

Sa loob ng walong buwan mula nang maorganisa, matagumpay na naisulong ng Kalinaw DdO, ang kanilang mga layunin tulad ng reintegrasyon sa lipunan, suporta sa mga FR, pakikilahok sa mga programang pangkomunidad, at kampanya para sa kapayapaan.

Isa sa mga tampok ng pagtitipon ay ang organizational workshop kung saan inamyendahan, pinagtibay, at opisyal na pinagtibay ang Saligang Batas at Alituntunin ng samahan.

Sinundan ito ng demokratikong halalan ng ikalawang hanay ng mga Provincial Executive Committee at Municipal Boards of Directors na mamumuno sa mga susunod na programa at adbokasiya ng organisasyon.

Nagtapos ang summit sa masigabong palakpakan, may baong pag-asa at determinasyon ang bawat isa.

Mula sa buhay ng hidwaan, ngayon ay umusbong ang isang kilusang nagsusulong ng kapayapaan at positibong pagbabago sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *