Pinasinayaan ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) sa pagbubukas ng kauna-unahang seismic station sa lalawigan ng Davao del Norte na matatagpuan sa loob ng Energy Park, Barangay Apokon, Tagum City nito lamang Hunyo 24, 2025.
Ayon sa DOST-PHIVOLCS, ang pasilidad ay magbibigay ng mas pinahusay na datos ukol sa lindol na magagamit ng mga lokal na opisyal, disaster responders, at ng sambayanan upang makapaghanda at makapagplano nang mas epektibo.

Dumalo sa inagurasyon si DOST-PHIVOLCS Director Teresito C. Bacolcol, kasama sina Provincial Science and Technology Director Judy Donna D. Nueva Ecija, Operations and Warning Division Chief ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Eric Rosillo, at Tagum City Administrator Edgar de Guzman.
Inaasahang magiging mahalagang bahagi ang seismic station ng mas pinaigting na disaster preparedness at risk reduction efforts sa Davao del Norte at kalapit na mga lalawigan.
Ang proyektong ito ay patunay sa patuloy na pagtutok ng pamahalaan sa seguridad at kapakanan ng mamamayang Pilipino.


