Isinagawa sa mahigit 50 aso at pusa ang nabakunahan sa Rabies Information Caravan at Animal Vaccination Drive sa bayan ng Siay, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-21 ng Hunyo 2025.
Binigyang-diin ni Department of Agriculture 9 Regional Executive Director Engr. Marcos Aves, Sr., na ang pinakaepektibong paraan upang mapigil ang rabies ay ang taunang pagpapabakuna.
Dumalo sa naturang aktibidad sina DA9 Regional Technical Directors Maria Melba Wee at Maria Gemma Genaldo, kasama ang mga kawani mula sa Regulatory Division, Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, Department of Health, Provincial Veterinary Office of Zamboanga Sibugay at mga kinatawan mula sa nasabing bayan.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman kaugnay sa pag-iwas sa rabies at upang mahikayat ang lahat para sa responsableng pag-aalaga ng mga hayop.

