Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga ang “Walang Gutom 2027 Program” sa ginanap na pulong ng Social Development Committee (SDC) sa NEDA Regional Office XIII (DepDev) Conference Hall, Butuan City nito lamang ika-17 ng Hunyo 2025.

Itinampok sa presentasyon ang rehiyonal na implementasyon ng Reducing Food Insecurity and Undernutrition with Electronic Vouchers (REFUEL) Project, ito ay isang makabagong pamamaraan sa ilalim ng “Walang Gutom 2027 Program” na layuning tugunan ang kakulangan sa pagkain at malnutrisyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga electronic food voucher.

Ibinahagi ng Regional Program Coordinator ang pangkalahatang layunin ng programa at ang potensyal nito upang mapabuti ang access sa pagkain ng mga low-income at nutritionally at-risk na mga sambahayan sa Caraga.

Dumalo sa pulong ang mga pangunahing miyembro ng Social Development Committee na nagpahayag ng kanilang buong suporta sa programa, at kinilala ang mahalagang papel nito sa pagsusulong ng inklusibo at matatag na kaunlaran sa rehiyon.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng matatag na paninindigan ng DSWD na maghatid ng makabago at makataong mga programa na nagsusulong ng kapakanan ng Pamilyang Pilipino.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *