Nasakote ang isang negosyante dahil sa kasong Estafa sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad nito lamang Hunyo 24, 2025 sa, Barangay Balangasan, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang suspek na si alyas “King James”, 36-anyos, lalaki, negosyante, at residente ng naturang lugar.

Sa bisa ng warrant of arrest naaresto ang suspek sa kasong two counts ng Estafa, alinsunod sa Criminal Case Nos. 18269 at 18270 na ipinalabas ni Hon. Pacifico T. Cimafranca, Jr., Acting Presiding Judge ng Municipal Trial Court in Cities, Branch 1, Ninth Judicial Region, Pagadian City na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *