Isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region IX ang tatlong araw na Fishery Law Enforcement Training Course para sa Bantay Dagat volunteers sa bayan ng R.T. Lim sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay nito lamang ika-25 ng Hunyo 2025.
Naging katuwang ng BFAR-IX sa nasabing pagsasanay ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng naturang munisipalidad.
Sa pamamagitan ng mga nasabing pagsisikap ay inaasahang mapipigilan at tuluyang mawakasan ang Illegal, Unreported, and Unregulated (IUU) fishing activities sa katubigan ng R.T. Lim.
Layunin ng inisyatiba na pagtibayin ang pagpapatupad ng mga batas pandagat at mapalakas ang kapasidad ng mga community-based volunteer para maitaguyod ang sustainable fisheries management.
Naglalayon din itong makabuo ng coastal law enforcement team na binubuo ng deputized Bantay Dagat members at iba pang stakeholders.

