Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng dagdag na benepisyo ng Pamahalaang Lokal ng Zamboanga para sa mga senior citizen sa siyudad nito lamang ika-28 ng Hunyo 2025.
Aabot sa halos 600 mga septuagenarian o ‘yong may edad na 70-79 taong gulang ang nakatanggap ng tig-P5,000.00 sa ginanap na payout sa Zamboanga.
Sa ilalim ng Ordinance No. 609, na kilala rin bilang ang “Septuagenarian Benefit Ordinance of Zamboanga City, makakatanggap ng P5,000.00 ang kada kwalipikadong benepisyaryo para tumulong sa kanilang pangangailangang medikal at pangkalusugan.
Aabot sa P2.93 milyon ang naibahagi ng pamahalaang lokal sa nasabing payout sa higit 500 benepisyaryo na naglalayong matugunan ang pangangailangang pangkalusugan at pangkabuhayan ng mga matatanda lalo na ang mga walang regular na pinagkakakitaan.

