Ipinagdiwang ang International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2025 na dinaluhan ng mga kawani ng FJGAD ng Davao Occidental Police Provincial Office at mga kabataan na ginanap sa New Malita Gym, Poblacion, Malita, Davao Occidental noong Hunyo 25, 2025.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng komunidad, lalo na ng kabataan, hinggil sa masamang epekto ng ilegal na droga at ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok sa kampanya laban sa drug abuse.
Tinalakay sa panayam ang mga programang pangkapayapaan at kontra-droga ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, muling pinagtitibay ng PNP-Davao Occidental ang kanilang dedikasyon sa pagsusulong ng isang bansang malaya sa banta ng iligal na droga.