Isinagawa ang opisyal na blessings para sa P12.5 milyon halaga na mga bagong makinarya para sa imprastruktura noong Hunyo 25, 2025 sa Davao de Oro.

Ito ay kinabibilangan ng isang hydraulic excavator (crawler type – mono boom) at dalawang vibratory road roller na may kabuuang halagang P12.5 milyon.

Pinangunahan ni Governor Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga, ang seremonya ng blessing, kasama ang mga opisyal at kawani mula sa Provincial Engineer’s Office.

Ang pagbili at pag-turnover ng nasabing mga heavy-duty equipment ay bahagi ng mas pinatibay na inisyatibo ng pamahalaang panlalawigan upang mas mapabilis at mapabuti ang implementasyon ng mga proyektong pang-imprastruktura.

Ayon sa gobernador, ang mga bagong kagamitan ay magsisilbing mahalagang tulong sa iba’t ibang proyekto sa mga bayan ng lalawigan gaya ng konstruksiyon at rehabilitasyon ng mga kalsada, tulay, at iba pang pampublikong pasilidad.

Layunin nitong matiyak na mabilis at maayos ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *