Sakay ng bangka ay binaybay ng Ozamis Maritime Police Station ang dagat sa upang mamigay ng tulong sa mga mangingisda na bahagi ng Community Outreach Program ng mga awtoridad nito lamang umaga ng ika-12 ng Disyembre 2023.

Ito ay pangangasiwa ni Police Major Julie M Buac, Station Chief, Maritime Police Station katuwang SOS/KABALIKAT Civicom Volunteers.

Bitbit ng naturang grupo ang food packs na naglalaman ng bigas, delata at noodles.

Nagpapasalamat naman ang mangingisda na nakatanggap ng tulong mula sa mga nabanggit na grupo na kahit papanoโ€™y makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Ang programa ay bahagi ng Serbisyong Cardo, Serbisyong may Puso, ng Regional Director ng Police Regional Office 10 na si Police Brigadier General Ricardo G Layug Jr na matulungan ang mamamayan na lubos na nangangailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *