Nagtapos ng Skills Enhancement Training ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang 100 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Ipil, Zamboanga Sibugay noong Hulyo 1,2025.
Ang mga PDLs mula sa Ipil District Jail Male Dormitory ay sumailalim sa pagsasanay ng TESDA kasama ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa cake making, food processing at massage therapy.
Layunin nito na masuportahan ang mga PDLs para sa kanilang integrasyon sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagsasanay na magbibigay oportunidad sa trabaho.
