Inihandog ang Serbisyong Medikal tulad ng Blood Pressure Check para sa mga Person Under Police Custody (PUPCs) na ginanap sa City Hall Complex, Gatas District, Pagadian City nito lamang ika-1 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ni Police Captain Virginie P. Bartiana, Hepe ng City Community Affairs and Development (CCAD) ng Pagadian City Police Station, ang pagsasagawa ng naturang Blood Pressure Check.

Isa itong hakbang ng Pagadian PNP upang mapanatili ang makatao at responsableng pangangalaga sa mga nakakulong, alinsunod sa umiiral na mga batas at karapatang pantao.

Layunin ng programang ito na masiguro ang kalusugan at maayos na kalagayan ng mga PUPCs habang nasa kustodiya ng kapulisan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *