Ipinamahagi ang tulong pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment Regional Office 9 (DOLE 9) sa 34 benepisyaryo mula sa sektor na nangangailangan sa lungsod ng Zamboanga nito lamang ika-23 ng Hulyo 2025.

Aabot sa P1.7 milyong halaga ng livelihood packages ang ibinahagi ng DOLE 9 sa ilang kwalipikadong benepisyaryo mula sa iba’t ibang bahagi ng siyudad na kinabibilangan ng distressed Overseas Filipino Workers (OFWs), mga naging biktima ng sunog, senior citizen, mga kasambahay at iba pa.

Ang nasabing tulong ng pamahalaan ay sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Layunin nito na matulungan na magkaroon ng sariling kabuhayan upang mapaunlad ang kanilang kita.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *