Umabot sa halos 2,000 kahon ng family food packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang bahagi ng Zamboanga Peninsula na naapektuhan ng Habagat at Tropical Depression Crising nito lamang ika-24 ng Hulyo 2025.

Batay sa datos ng DSWD IX, 1,829 mga pamilya o higit 8,000 indibidwal ang naapektuhan ng nagdaang pagbaha at malakas na hangin sa rehiyon.

Kabilang sa mga lugar na higit na sinalanta ng Habagat at Bagyong Crising ay ang probinsya ng Zamboanga del Norte at siyudad ng Zamboanga.

May naitala ring mga bahay na nasira o totally damaged houses na aabot sa 19 habang 39 ang partially damaged.

Samantala, patuloy ang mahigpit na koordinasyon ng DSWD sa mga apektadong lokal na pamahalaan sa rehiyon para matiyak na ang kinakailangang tulong ay naihahatid nang mabilis at ayon sa pangangailangan ng mga nasalanta.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *