Sumuko ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad noong Hulyo 23, 2025, sa Barangay Guban, Sirawai, Zamboanga del Norte.
Kinilala ang mga sumuko na si alyas “Jeman”, 18 anyos, lalaki, walang asawa, at residente ng Barangay Sigacad, Bayog, Zamboanga del Sur at alyas “Renan/Reyan” 21 anyos, lalaki, walang asawa, at residente ng Barangay Litawan, Sibuco, Zamboanga del Norte.
Ang pagsuko ng mga tagasuporta at miyembro ng NPA ay nagpapahiwatig ng paghina ng teroristang grupo tungo sa pagkamit ng kaunlaran.