Idinaos ng mga tauhan ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office ang kauna-unahang Barangay Peace Summit sa Camp Datu Akilan Ampatuan, Shariff Aguak nito lamang Hulyo 25, 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel Sultan Salman H Sample, Provincial Director ng Maguindanao del Sur PPO, ang naturang aktibidad at dinaluhan ng 287 Punong Barangay mula sa 24 na munisipalidad, NAPOLCOM BARRM.
Ito ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga lokal na lider at kapulisan sa adhikain ng pangmatagalang kapayapaan.
Isa sa mga tampok ng aktibidad ay ang boluntaryong pagsuko ng 234 na iba’t ibang uri ng high-powered firearms mula sa mga opisyal ng barangay—na itinuturing na isa sa pinakamalaking turn-over ng armas sa kasaysayan ng lalawigan.
Naging daan din ang summit para sa pagtutulungan sa pagitan ng mga pinuno ng barangay at kapulisan.
Layunin nito ang pangmatagalang kapayapaan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.


