Isinagawa ang isang MOVE (Men Opposed to Violence Against Women Everywhere) Symposium bilang bahagi ng ika-30 Police Community Relations Month noong Hulyo 24, 2025 sa Barangay Baguio Proper, Baguio District, Davao City.

Ito ay pinangunahan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay kabilang ang kapitan, mga kagawad, tanod, BPATs, at iba pang kawani.

Layunin ng symposium na palakasin ang kampanya kontra rape at gender-based violence sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong kaalaman tungkol sa mga umiiral na batas.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang kasaysayan ng MOVE, Republic Act 8353 (Anti-Rape Law), RA 9262 (Anti-VAWC), RA 11313 (Safe Spaces Act), at Rule 113 Section 5 ng Rules of Criminal Procedure.

Binigyang-diin sa mga talakayan ang papel ng bawat mamamayan sa pagtugon at pag-iwas sa karahasan sa kababaihan at kabataan.

Nagtapos ang programa sa sabayang panunumpa ng MOVE Pledge.

Higit sa salita ang pinakawalan ng bawat kalahok — isa iyong pangakong isasabuhay, ipaglalaban, at ipapasa sa susunod na henerasyon: isang lipunang walang puwang para sa karahasan, at puno ng paggalang para sa bawat isa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *