Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin bandang 12:00 ng madaling araw sa Andres Alonzo Strt. Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City nito lamang Lunes, ika-28 ng Hulyo 2025.
Sa report ng PNP, kinilala ang biktima na si Esmael Abpi Manampan, isang payong-payong driver, residente ng naturang barangay.
Lumalabas sa imbestigasyon na habang minamaneho ng biktima ang kanyang payong-payong nang bigla na lamang itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala ang biktima sa kanang bahagi ng kanyang tiyan at swerteng hindi napuruhan at ngayon ay nagpapagaling na sa pagamutan.
Narekober sa crime scene ang apat na fired cartridges mula sa caliber .45 pistol na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.
Ayon sa PNP, may kaugnayan sa iligal na droga ang maaring motibo ng suspek sa krimen. Nagpapatuloy pa rin ang malalimang imbestigasyon upang matukoy ang suspek sa naturang insidente.