Ipinamahagi para sa sektor ng Persons with Disabilities (PWDs) ang mahigit 60 assistive devices nito lamang Hulyo 28, 2025, sa City Hall Atrium, Tagum City, Davao del Norte.

Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang partner agencies at opisyal ng pamahalaang lungsod.

Ang mga kagamitan gaya ng sungkod, hospital wheelchairs, customized wheelchairs, crutches, at iba pang assistive devices ay inilaan para sa mga kababayang dumaan sa Wheelchair and Assistive Devices Assessment noong Mayo 16, 2025.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga may cerebral palsy, polio, at mga stroke survivors na nangangailangan ng suporta upang mapadali ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng City Government of Tagum sa pangunguna ni Mayor Rey T. Uy, katuwang ang Tagum City Council of Women’s Foundation Inc. sa pamumuno ni Ms. Alma L. Uy, at ang Shangri-La Masonic Lodge No. 196.

Layunin ng programang ito na maitaas ang kalidad ng buhay ng mga PWDs sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang kagamitan na angkop sa kanilang kalagayan. Isa itong kongkretong hakbang sa pagtataguyod ng inklusibong serbisyo publiko at pagkalinga sa mga sektor na madalas ay napag-iiwanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *