Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Pangantucan sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) katuwang ang Philippine Aquatic Safety Society (PASS), ang isang libreng pagsasanay para sa aquatic safety noong Hulyo 26, 2025 sa MGG Resort, Sitio Lumagwas, Adtuyon, Pangantucan, Bukidnon.

Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Drowning Prevention Day 2025, kung saan layunin nitong mapalaganap ang kamalayan at kaalaman ukol sa tamang pagresponde sa insidente ng pagkalunod.

Pinangunahan ni Ginoong Arthur Lumigo ng PASS ang pagbabahagi ng mga drowning survival techniques, kabilang na ang tamang paraan ng pagsagip na hindi inilalagay sa panganib ang tagapagligtas.

Nagbahagi rin si Ginang Lorleen Luzano, ng mga mahahalagang kaalaman hinggil sa kahalagahan ng aquatic safety.

Isa sa mga kalahok, si Ginang Doanie Grace Hupayan Sulda, ay nagpahayag ng pasasalamat sa LGU at PASS, at binigyang-diin kung gaano kahalaga ang natutunan na maaaring makaligtas ng buhay sa oras ng pangangailangan.

Patuloy ang suporta ng Pangantucan LGU sa mga inisyatibang gaya nito na naglalayong palakasin ang kahandaan at kaalaman ng mamamayan, lalo na sa mga sitwasyong nangangailangan ng mabilis at tamang aksyon para sa kaligtasan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *